
Magsisimula na sa Mayo 7 ang secret conclave para sa pagpili sa susunod na Santo Papa.
Ito ay matapos pumanaw si Pope Francis sa edad na 88.
Ayon sa Vatican, napag kasunduan ang naturang petsa matapos ang closed-door meeting ng mga Cardinals.
Nasa 135 Cardinals mula sa ibat ibang bahagi ng bansa na edad 80 anyos pababa ang maaring bomoto para sa susunod na lider ng 1.4 bilyong Katoliko
Isinarado na sa mga turista ang 16th-century Sistine Chapel, kung saan makikita ang Michelangelo’s masterpiece frescoes para ihanda sa eleksyon ng bagong Santo Papa.
Matatandaan na noong nakaraang dalawang conclave noong 2005 at 2013, tumagal ng dalawang araw ang eleksyon.
Pero ayon kay Swedish cardinal Anders Arborelius, maaring matagalan pa ang pag pili dahil karamihan sa mga cardinal na itinalaga ni Pope Francis ay ngayon lamang nagkita.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment