
NAG-back out si Ion Perez sa planong pagtakbo bilang konsehal ng Concepcion, Tarlac.
Inanunsyo ni Ion ang desisyon sa pamamagitan ng isang TikTok video na ipinost niya noong Lunes, November 4.
“Sa mga kalugar ko diyan sa Concepcion, una po, maraming salamat sa tiwala at suporta n’yo na ibinigay sa akin. Pinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo o tutuloy bilang konsehal ng Concepcion,” wika ng “It’s Showtime” host.
Aniya, ihahanda muna niya ang sarili para makasiguro na maayos niyang mapagsisilbihan ang taumbayan.
“Gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya at mapaglingkuran kayo nang tama. Muli po, maraming maraming salamat sa inyong tiwala. Paumanhin po,” dagdag ng mister ni Vice Ganda.
Ginawa ni Ion ang pahayag isang buwan makaraang maghain ng certificate of candidacy.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment