Naglabas ng ebidensya ang social media personality na si Xian Gaza na “forda content at clout” lang talaga ang pagpapa-tattoo sa noo ng isang dating OFW para sa April Fools’ Day prank ng Taragis Takoyaki shop.
Ipinost ni Xian sa kanyang Facebook page ang larawan na magkasama sina Tatay Ramil at Carl Quion, ang owner ng takoyaki store.
Sa nasabing photo, makikita na tila ini-interview ni Quion ang ex-OFW.
“Magkakilala pala an’dami niyong pinadalang tulong hahaha,” caption ni Xian na ang tinutukoy ay ang mga ayuda na ibinigay ng publiko kay Tatay Ramil nang malaman ang nagtulak umano rito na magpa-tattoo sa noo.
Kamakailan ay pinuntahan ni Quion si Tatay Ramil para ibigay ang P100,000 cash na premyo sa pekeng challenge.
Bago ito, naobserbahan din ni Xian na luma na ang tattoo sa noo ng dating OFW.
“Hindi fresh ‘yung tattoo sa noo, it means matagal na o henna lang. Hindi rin marunong umarte si Kuya. Halatang scripted. Publicity stunt lamang,” sabi ni Xian.

- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment