Trending sa X si Kapuso star Bea Alonzo matapos kumalat ang video clip ng pagkikita nila ni Julia Barretto sa isang tribute party para sa kaarawan ng starmaker at dating chairman emeritus ng Star Magic na si Johnny “Mr. M” Manahan, na consultant na ngayon ng Sparkle GMA Artist Center.
Makikita sa kumakalat na video na nag-beso at nagkatawanan pa ang dalawa habang katabi nila ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto.

Matatandaang nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawa dahil sa ex-boyfriend ni Bea na si Kapamilya actor Gerald Anderson. Inakusahan kasi si Julia na sinulot si Gerald mula kay Bea, na tila “na-ghosting” naman daw ng aktor.
Dahil dito, sumikat ang linyahan ni Bea na “Time is the ultimate truth teller.”
Kaya komento ng mga netizen, mukhang “the world is healing” na raw talaga matapos na mag-usap ang dalawa, makalipas ang ilang taong hindi pagkikibuan.
Bago ang nabanggit na intriga ay nagkasama muna ang dalawa sa seryeng “A Love to Last” noong nasa ABS-CBN pa si Bea.
Gumanap siya rito bilang love interest ni Ian Veneracion, at madrasta siya ni Julia rito.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment