
Ganito ang kwento ng teacher na matatag—si Mary Grace Millama Zulueta, na 19 na beses sumabak sa Licensure Examination for Teachers (LET) bago sa wakas, pasado na rin.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Mary Grace—18 na bagsak, pero hindi siya natinag.
Kahit na pagod sa trabaho, gawaing bahay, at humaharap sa hamon ng edad, lumaban at hindi bumitaw!
Ayon kay Diane Asanza David, isang LET topnotcher at review buddy ni Mary Grace, may mga panahong halos bibitaw na ang kaibigan.
“Ang dali lang naman ng mga tanong, pero bakit hindi ko makuha ang tamang sagot?
Nakakahiya at nakakapagod na ang paulit-ulit na aasa at babagsak ka,” emosyonal na kwento ni Mary Grace kay Diane.
Inamin pa raw ni Mary Grace na minsan, hindi na siya makaintindi sa review center dahil sa sobrang pagod at puyat. Ito pa raw ang unang beses na nakatulog siya sa mismong araw ng exam.
Pero dahil sa laban kung laban na attitude, hindi siya sumuko—at sa ika-19 na subok, YES, PASADO NA!
Yan ang bitbit ni Teacher Mary Grace sa bawat exam. At ngayon, isa na siyang ganap na guro!
Kaya sa mga paulit-ulit na bumabagsak—huwag mawawalan ng pag-asa! Baka sa susunod, ikaw na ang papasa!
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment