Habemus Papam! Bagong Santo Papa, ipinakilala na

Matapos ang itim na usok sa naunang dalawang botohan ng mga kardinal, puting usok na ang lumabas sa tsiminea o pausukan sa Sistine chapel sa Vatican, indikasyon na may napili nang bagong Santo Papa.

Ito ay si US Cardinal Robert Prevost na pinili ang pangalang Pope Leo XIV.

Ang 69-anyos na si Prevost ang ika-267 na Santo Papa, at kauna-unahan na magmumula sa Amerika.

Isinagawa ang pagboto sa bagong Santo Papa matapos pumanaw si Pope Francis nitong nakaraang buwan dahil sa stroke.

Mayroong 133 kardinal ang bumoto para pumili ng bagong Santo Papa, na kailangang makakuha ng two-thirds ng boto upang siyang mamuno sa nasa 1.4 bilyong Katoliko sa mundo.

Matapos ang pagpili sa bagong Santo Papa, paghahandaan naman ang kaniyang magiging inagurasyon.

Nang mapili noong Santo Papa si Pope Francis, isinagawa ang kaniyang inagurasyon, anim na araw matapos ang ginawang botohan

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started