
Tanggap na ni Vice President Sara Duterte na malabo nang mapauwi sa Pilipinas ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na dinakip at dinala sa The Hague sa Netherlands.
Sa press conference ng Bise Presidente, sinabi nito na wala na silang magagawa para mapabalik sa bansa ang ex-President.
Nilinaw din ni VP Sara na wala siyang nararamdamang galit sa pag-aresto sa kanyang ama.
“Sa totoo lang wala akong nararamdaman. Hindi ako galit, hindi ako disappointed. Nothing at all. Kasi pointless naman na mag-harbor ako ng feelings about what happened. Hindi na siya maibabalik. Hindi na mababalik si Pangulong Duterte sa Pilipinas,” wika ni VP Sara.
Aniya, dapat nang mag-move on ang mga supporter ng kanyang ama, pero ayon pa sa kanya ay maghahanap sila ng ibang paraan para maiuwi sa Pilipinas ang Duterte patriarch.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment