Couple tattoos! Andi, Philmar sabay nagpa-tattoo

Magkasamang nagpa-tattoo ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Base sa video sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio, makikitang sabay na nagpa-tattoo ang mag-partner habang abala naman sa paglalaro sa gilid ang mga anak na sina Lilo at Koa.

“Another tattoo sessions with the power couple. We couldn’t be more stoked to have them back together with Lilo & Koa,” pahayag ng piercing studio.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang relasyon ng dalawa nang magpa-tatto si Philmar ng “224” kasama ang bestfriend na si Pernilla Sjoo.

Gayunman, agad ding nagkaayos sina Andi at Philmar.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started