
BUONG-ningning na ibinandera ng komedyanang si Kiray Celis ang ilan sa kanyang mga naipundar niyang properties ngayong taon.
“2024 is all about smart saving and smart spending para sa akin,” chika ni Kiray sa Instagram post kalakip ang mga larawan ng naipatayong rental property.
“Nag-ipon ako para sa mga paupahan and learned the importance ng choosing the right people and prioritizing needs over wants,” dagdag niya.
Bukod sa investments, sinabi ni Kiray na hindi niya nakalimutan ang self-care.
“After all the hustle, nirereward ko lang ang sarili ko. May konting byahe, tour o pahinga sa ibang bansa!” sambit niya.
Ilan sa mga nasabing trip abroad ay kasama niya ang boyfriend na si Stephan Estopia.
Kamakailan ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ikalimang anibersaryo bilang magkasintahan.
“Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sakin at sa pamilya ko. Sa pagsakay mo sa lahat ng trip ko, sa pagsuporta sa lahat ng gusto ko. Sa pagdadrive sakin sa lahat ng work ko. Sa lahat ng toyo ko, sa mga pagiinarte, pagmamaldita at pag susuplada ko sayo. LAHAT LAHAT…wala nakong mahihiling pa kasi nasakin ka na. Mahal na mahal kita!” mensahe ni Kiray kay Stephan.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment