
Sinagot ni Nadine Lustre ang isang sarkastikong komento ukol sa pagpo-promote niya ng online casino.
Matatandaang kamakailan ay nag-trending si Nadine matapos niyang i-promote ang isang online betting game.
Karamihan kasi sa mga netizen ay na-disappoint sa aktres. Sinabi ng mga ito na maraming kabataan ang humahanga sa dalaga at baka ma-encourage na magsugal dahil kay Nadine.
Sa Instagram broadcast channel, nag-post si Nadine ng larawanat nilagyan niya ito ng caption na: “December plans?”
Dito ay may isang netizen ang sumagot ng pabiro na: “Magsugal.”
Nag-reply naman dito si Nadine ng: “Choice mo yan.”

Leave a comment