Mag asawang rider at basurero, nakapundar ng sariling bahay.

Donalyn solano /fb

Pag may tiyaga, may bagong bahay!”

Ayan ang motto ng mag-asawa, na isang garbage collector at rider, matapos nilang makapagpatayo ng sariling bahay.


Sa panayam kay Donalyn Solano ng ABS-CBN, sinabi nito na talagang lumaki silang mahirap, ngunit ipinangako umano nila na hindi sila tatandang mahirap.

“Lumaking mahirap pero nangakong ‘di tatandang mahirap. Isa akong [rider] at asawa ng isang basurero. Nangakong magkabahay at ngayon, ito na,” ani Solano.


“Hanggang sa nakapag-asawa ng isang basurerong ‘di nakapagtapos pero masipag, may dedikasyon sa buhay, may pangarap sa buhay—tumayo sa sariling mga paa. Lumaki rin siyang walang magulang at maaga rin natutong maghanapbuhay. Masasabi kong swerte ako sa aking naging kabiyak dahil masipag—ramdam ko ang pagmamahal sa amin hanggang sa biniyayaan kami ng anak,” sey pa nito.

Sinabi pa nito na natutunan niyang huwag maging tamad lalo pa sa estado ng kanilang buhay ng kaniyang asawa.

“Isa lang ang natutuhan ko sa buhay: bawal maging tamad ang isang mahirap. Talo man ako sa edukasyon, sisikaping manalo sa napili kong propesyon. Meet my simple house… Thank You Lord,” dagdag pa nito.

Dahil dito, marami sa mga netizen ang na-inspire sa kwento ng dalawa

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started