
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sambayanan Filipino na bigyang pagkilala ang mga nagawa ni Gat Andres Bonifacio sa pamamagitan ng paghahanap ng mas malalim na kahulugan sa sakripisyo para sa bayan
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa ika-161 kaarawan ni Bonifacio na tinaguriang Supremo ng Katipunan at Bayani ng Masa.
“Let us honor his memory by finding a deeper meaning in his sacrifice and doing our part in liberating our country from the shackles of hunger, corruption, criminality, and other ills of society,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo na sa katapangan ni Bonifacio ay sininndihan nito ang liyab ng Philippine revolution na nagbunga sa pagkakaisa ng bansa upang labanan ang mga mananakop.
Kaugnay nitoy hinikayat ni Pangulong Marcos ang lahat na bigyan ng mas malalim na pakahulugan ang sakripisyong ginawa ni Bonifacio upang mapalaya ang bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng bahagi ang mamamayan laban sa kagutuman, korupsiyon, kriminalidad at iba pang sakit ng lipunan.
Ayon kay Pangulobg Marcos, magsilbi
sana ang okasyon na maging gabay ang pagiging makabayan, disiplinado at may pagmamahal sa bawat isa para makamit ang Bagong Pilipinas kung saan ang bawat Isa ay nakapamumuhay sa kapayapaan, kaunlaran at pagkakasundo.
“As we celebrate this auspicious occasion, let us remember the legacy of sacrifice that he and our forebears have demonstrated. We owe them a debt of gratitude for awakening our nationalist consciousness, upholding our sense of identity, and rousing our spirit of self-determination,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Gat Andres may have been long gone, but his fight carries on. His courage, selflessness, and determination continue to inspire us all to strive for greatness in our shared task of nation-building,” dagdag ng Pangulo.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment