Gadon naghain disbarment case vs VP Sara: Magresign na siya!

Naghain ng disbarment case laban kay vice President Sara Duterte sa Supreme Court si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon.

Ayon kay Gadon, dapat umpisahan ng SC ang motu proprio proceeding sa disbarment kay Duterte dahil sab anta nitong ipapatay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi pa ni Gadon na illegal, immoral, at condemnable ang mga pahayag ni Duterte.

“As a lawyer herself, she should be disbarred,” pahayag ni Gadon.

Hiniling din ni Gadon na mag-resign na si Duterte.

“Mag-resign siya. Dahil sinisiguro ko, siguradong-sigurado ako, na sa next Congress siya ay i-impeach,” pahayag ni Gadon.

Ayon kay Gadon, kung hindi aaksyon ang SC sa kanyang petisyon, sasampahan niya ang mga ito ng impeachment case.

Matatandaang na-disbar na rin si Gadon ng SC noong Mayo 2024 dahil sa mga bastos na pananalita.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started