
NAGTATALAK sa social media ang isang content creator na nabastusan sa inasal ng aktres na kasabay niyang nanonood ng concert ng Pinoy pop group na BINI kamakailan.
Ayon kay Christian Antolin, hindi marunong makiusap habang dumaraan sa harap niya ang aktres at pamilya nito.
Hindi niya pinangalan ang personalidad pero nagbigay siya ng clue na dati itong gumanap na “Sang’gre” sa fantaserye ng GMA Network na “Encantadia.”
Rant ni Antolin:
“So may nakatabi akong artista sa BINI concert tapos nasa dulo ako ng upuan. Di ko lang kinakaya yung ugali kasi kapag aalis sila buong pamilya sa inupuan nila, tapos kapag babalik, di manlang magsabi ng “excuse me” ni isa sa kanila. Like, hello? Pipi na ba kayo? Nabili nyo ba yung buong row??
“Clue: Isa syang dating Sanggre.”
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment