Sa’yo ako, ha?: ‘Possessive’ na si Bernadette Sembrano kinagiliwan, ginawang meme ng netizens

Bernadette sembrano

Laman ng newsfeed ng mga netizens ang blooper video ng TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo kung saan aksidenteng nahagip ng camera ang sinabi niyang “Sa’yo ako, ha?” habang nagbabalita live.

Ginawa pa nga itong meme ng mga bagets at naugnay sa usaping pag-ibig.

“kanino ka lang?”

“sign language interpreter 👁️👄👁️🫶🏻”

“Baka gusto mo pang maging news reporter muna ako para malaman mong sayo ako”

“sayo lang bossing ko”

“the assurance we all need”

Napa-explain tuloy si Bernadette sa isang interview ng ABS-CBN kung saan sinabi niya na wala kasing floor director noong panahong’yon kaya medyo naguguluhan siya sa nangyayari sa paligid.

Kaya naman sinabihan niya ang cameraman na sa camera lang nito siya titingin para maka-focus siya sa pagbabalita.

Kinunan ni Bernadette ang mga kaganapan sa Sagip Kapamilya Foundation Warehouse para ipakita ang pagkilos ng foundation arm ng ABS-CBN sa gitna ng pananalasa ng mga bagyong nagdaan at upang hikayatin ang mga live audience na mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started