Bea Borres aminadong nagpadagdag boobs sa edad na 19

Inamin ni Bea Borres na totoong sumailalim siya sa breast enhancement noong siya ay 19 taong gulang pa lang.

Sa isang TikTok video, sinabi ni Bea na hindi naman umano niya pinagsisisihan ang kaniyang desisyon.

May isa kasing netizen ang nagsabi na hindi nila inakalang nagpadagdag pala ng dibdib ang dalaga.

“No it’s not and I never denied it. In fact, I even answer questions so yes po. My dibdib — my girlies, it’s gawa. It’s 275 cc Mentor. I think Mentor yung brand ko,” paliwanag nito.

Nagbigay din naman ng payo si Bea sa mga tagahanga na gustong magpadagdag ng dibdib: “Guys, if you’re planning to get breast surgery implants, make sure you have a boyfriend. I swear.”

“Make sure…that’s the advice I give talaga whenever someone asks me. My only tip is to have a boyfriend,” dagdag pa niya.

Samantala, bukod sa boobs enhancement, sumailalim din siya sa buccal fat removal at nagpa-lipo ng braso.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started