
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni BINI Jhoanna Robles na makasama sa isang eksena ang Box-office Queen na si Kathryn Bernardo.
Bago kasi sumikat bilang singer at performer ay unang sinubukan pala ni BINI Jhoanna ang pag-arte.
Sa katunayan nga niyan ay napabilang siya sa “Kadenang Ginto” na pinagbidahan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.
“Na-miss ko lang ‘yung taping days noon. Though, saglit lang po ako nun. Before pa po iyon ng Star Hunt auditions. Akala po kasi ng iba na part ‘yun ng audition ko, kung paano ako nakasama sa grupo,” saad nito sa panayam sa ABS-CBN.
Aniya, first love niya talaga ang umakting, at isa nga sa pangarap niyang makasama ay si Kathryn.
“Gusto kong gawin ‘yung first love ko, ‘yung acting po. Iba ‘yung ano ng puso ko sa acting po. Pero alam kong marami pa po akong kailangang matutunan doon,” sey ni Jho.
“Malaking part kung sino ako ngayon si Ate Kath. Parang pagkabata ko, sa kanya umikot mundo ko. Ultimo commercials niya, saulo ko,” dagdag pa nito.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment