
Matapos mag-viral sa TikTok ang kwento ng pulis na si Julius Manalo, nabigyan ito ng pagkakataon na maidetalye paano niya muling nakita ang ina niyang Korean makalipas ang 31 na taon.
Sa programang Toni Talks, nilinaw ni Julius na hindi lamang makalipas 31 taon saka lamang niya naisip na hanapin ang ina. Aniya, sa tuwing magkakaroon ng pagkakataong may mapapagtanungan siya na may kaugnayan sa Korea, sinisikap niyang magbakasakali na matulungan siyang mahanap ang kanyang “omma.
Nang mapagamit siya sa unang pagkakataon ng kapatid na aktor na si Jay Manalo ng internet, sinamantala na niya noon ang pagkakataon na hanapin ang kanyang ina.
Subalit, nabigo siya sa dami ng kapangalan nito na ayon sa kanyang mga napagtanungan ay “common” sa Korea. Hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Isang Korean ang nag-install ng water equipment sa kanilang bahay ang nakapansin sa anak ni Julius na aniya’y mukha umanong Korean.
Doon nasabi ng kanyang biyenan na may lahi nga umanong Korean ang bata. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na makita at makausap na ng installer na ito si Julius. “Papakilala kita sa producer ng Mother Spring Day ang pangalan ng palabas nila. Unang pitch pa lang niya, unang sabi pa lang niya, tulungan natin yan ang sabi nila,” kwento ni Julius nang makilala niya si Sir Steve na ang tawag niya ay “angel” dahil ito umano ang naging daan para makilala niya ang ina.
- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment