Patay ang padre de pamilya makaraang pagbabarilin ng kapitbahay na naglalako ng solar lights sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Dead on the spot ang biktimang si Eduardo Quezon Jr., residente ng Brgy. Bato dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkakape si Quezon kasama ang asawa sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na nagbebenta ng solar lights.
Tumanggi si Quezon dahil hindi umano niya kailangan ng ilaw pero nagpumilit ang suspek.
Maya-maya pa ay pumasok ang suspek sa bahay at binaril ang biktima saka tumakas.
Narekober ng mga pulis sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre .45 pistola.
Tinutugis na ng mga otoridad ang salarin.

- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment