Natagpuan ng Regional Intelligence Unit 5 ang mga gamit na pampasabog sa bahagi ng Brgy. San Vicente Grande, bayan ng Daraga, Albay.
Ayon kay PMSG. Gerson Rentosa, Investigator on Case ng Daraga Municipal Police Station, nagsagawa ng minor ISO operation o Oplan Pagtutugis ang nasabing unit kasabay RMFB, RID, Philippine Army, at iba pa kung saan natagpuan sa madamong lugar ang anim na pirasong cylindrical IED, cellphone, dokumento at iba pa.
Posible umanong itinago ang mga ito malapit sa kalsada ng nasabing barangay at maaaring may kaugnayan sa nangyaring harassment dahil malapit lamang ito sa bayan ng Jovellar.
Sinabi pa ng opisyal, ang mga narekober ay gagamitin ng pinaniniwalaang NPA laban sa gobyerno at ang nabanggit na barangay ay may presensya pa rin ng rebeldeng grupo kaya’t patuloy pa rin ang kanilang ginagawang operasyon sa lugar.

- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment