DAHIL umiiyak kapag ibinababa niya ang anak ay tiniis na lang ng aktres na si Kris Bernal ang gutom para dire-diretso niyang makarga ito at hindi mag-alburuto.
Sa Instagram, ipinost ni Kris ang photo niya na nakahiga habang karga ang anak na si Hailee Lucca.
“Ayaw magpalapag gutom na me,” caption niya.
Hindi naman sinabi ng aktres kung nakakuha na siya ng yaya para sa anak nang may kahalili siya sa pag-aalaga rito.
Kamakailan ay inanusyo ni Kris na naghahanap siya ng yaya para kay Hailee Lucca.
“No yaya = no tulog,” ani Kris sa Instagram photo niya na karga ang anak.
“SEND HELP! Looking for yaya! Send me a DM! Referrals only from fam/friends!” dagdag niya.

- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment