Inamin ng lalaki mula sa Bato, Camarines Sur na si Anthony Solares na pinatay niya ang viral Golden Retriever dog na si Killua.
Sa kanyang panayam sa News5, sinabi nitong ginawa niya lang ang mga nagawa niya kay Killua para protektahan ang ibang
Pagpapatuloy niya, “Hinabol ko na ‘yung aso kasi, ano na… nangagat na. Bale, naka-dalawang kagat na siya. Tapos, muntikan pa nga ‘yung asawa ko, na nagtitindi lang sa aming ano…”
Nang tanungin si Anthony kung nagsimula nang mangagat si Killua sa mga tao sa daan, sinagot niya ito ng oo.
Bukod pa rito, kinumpirma rin niya na hinabol niya ang aso gaya ng mapapanood sa CCTV footage na inilabas ng furmom ni Killua na si Rachelle dahil ayon sa kanya, nangangagat raw ito ng mga tao.
Sabi ni Solares, “Maski nga ako, naano na, nakagat na ako. Kaya, kung baga sa ano, ay talagang ano na siya, talagang wala na sa sarili ‘yung aso.”
“Lahat ng nakasalubong niya, parang gusto niya pang anuhin, ‘yung parang, gusto pang kagatin. Kaya, wala akong ibang naisipan, talagang anuhin. Baka maka-ano pa ng ibang tao,” dagdag pa niya.
Inamin rin ni Solares na hinampas niya ng bato at pinalo ng kahoy si Killua at noong patay na ito y itinabi muna raw niya sa tindahan niya para antayin ang may-ari at nag-CR muna.
Ngunit itinanggi nito na isinako niya ang namatay na aso at ibang tao raw ang gumawa nito.
“Ganito po ‘yun. Tinabi ko muna [siya] sa tindahan ko noong patay na, tapos umuwi muna ako, nag-CR ako. Pagbalik ko, naka-sako na,” ani Solares.
Pinabulaanan rin niya ang mga paratang na balak nitong katayin at iluto si Killia kaya niya ito pinatay.

- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment