BAGO nakipaghiwalay kay Kim Chiu ay nagpaluto muna umano rito ng kanyang paboritong steak dish si Xian Lim.
Ayon sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, noong araw ng breakup ay tinawagan ni Xian si Kim para magpaluto ng steak.
“Hindi naman nila sinasabi ang dahilan ng split pero nakarating sa akin kung paano sila nag-split. Pwede naman ‘tong i-deny ni Kim Chiu o ni Xian Lim,” ani Ogie sa “Showbiz Update.”
“Isang araw daw itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito niyang steak,” kwento niya.
“So ito namang si Kim Chiu excited na nagluto ng steak. Siyempre, um-appear si Xian Lim ganyan-ganyan,” dagdag niya. Habang kumakain ang dalawa ay doon na inihayag ng aktor na gusto na niyang kalasan ang aktres.
“Dumayalog si Xian Lim. Ang sabi, ‘Tapusin na natin ang ating relasyon. Parang wala namang patutunguhan. Ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends’,” ani Ogie.
Klinaro niya na hindi kumpirmado kung ganoon nga ang eksena.
“Something to that effect ha. Pero siyempre pwedeng exag, pwedeng kulang ‘yung kwento ko. Pero more or less, nag-start ‘yan sa steak,” sambit ni Ogie.


- Marcos orders probe, protection over child’s abuse report
- SSS posibleng magpapatupad ng loan moratorium at penalty condonation.
- TNVS DRIVER, NAG-AALOK NG LIBRENG SAKAY PARA SA MGA ESTUDYANTE AT PASYENTE
- PAMILYA SA CAMARINES SUR, GUMAWA NG DIY NA PARAAN PARA MATULUNGAN ANG MAY SAKIT NA AMA
- Robredo on 2028 elections: Hindi pa umiinit yung upuan ko, tapos pulitika agad?
Leave a comment