
Isang malaking sinkhole ang natuklasan sa isang palayan sa mataas na bahagi ng San Juan sa Siquijor.
Sa ulat ng GMA Regional TV News, sinabing natagpuan ang sinkhole sa isang palayan sa Sitio Pilapil, Barangay Napô.
Kagad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng San Juan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at nilagyan ng dilaw na harang bilang babala sa mga residente upang maiwasan ang posibleng aksidente.
Noong Setyembre 26, 2025, muling ininspeksyon ng mga municipal personnel ang lugar kasama ang mga opisyal ng barangay. Pinagbawalan din nila ang mga netizen na nagmumungkahing gawing tourist spot ang lugar.
“Tsada siya tan-awon, mura siya og waterfalls pero makahadlok baya siya. Makahadlok kay siya nga tanan, lalum gyud siya, simbako mahugno pa ning ubang area dinhi sa Barangay Napô…dili gyud paduolan siya,” ani San Juan Councilor Rads Leones Tompong.
Ayon kay San Juan Mayor Rubilyn Maata Ragay, patuloy ang isinasagawang pagsusuri ng lokal pamahalaan upang matukoy kung aling bahagi pa ng lupain ang ligtas at maaaring taniman.
“Ang dili magamit, i-asses nato para atong matagaan sila og equal value sa mawala nilang portion sa ilang panginabuhian,” ani Ragay.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment