17 TRIPULANTENG SAKAY NG ISANG FISHING VESSEL NA NASIRAAN SA BAJO DE MASINLOC, NASAGIP NG PCG



Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) partikular na ng Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Teresa Magbanua ang 17 tripulanteng sakay ng isang fishing vessel na FB CASSANDRA matapos masiraan ng propeller malapit sa Bajo de Masinloc kahapon, Hulyo 17, 2025.

Sa kabila ng masamang panahon at banta ng rocket drop zone ng China, ligtas na naihatid ang barko sa Mariveles, Bataan. Isa sa mga tripulante ang naitalang may altapresyon at agad na nabigyan ng lunas.

Patuloy ang PCG sa pagbibigay proteksyon sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Courtesy: PIA
#ThinkedTV

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started