
One step closer na sa pagiging big winner ang Pinoy Big Brother (PBB) housemates na sina Esnyr Ranollo at Charlie Fleming matapos ianunsyo nitong Martes, Hunyo 23, bilang kauna-unahang duo na pasok sa Big 4.
Sa latest episode ng PBB, nakatanggap sina Esnyr at Charlie ng kabuuang 11 boto kung saan siyam ay galing sa mga house challengers, habang dalawa naman ang galing sa kanilang mga fellow duos.
“Being the first Big 4 right now is a miracle po. By God’s grace po talaga nangyari ito and I never expected it. Maraming maraming salamat po talaga,” pahayag ni Charlie.
“Of course, ito po ‘yung laban para sa mga taga-Davao del Sur, para sa mga taga-Cagayan de Oro, para sa mga taga-Mindanao, mga Bisaya po, mga content creator. At bilang isa na lang na nanatiling bakla dito sa bahay,” saad naman ni Esnyr.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment