
Malagim na babala ang binitawan ni Pope Leo XIV nitong Linggo matapos lumala ang tensyon sa pagitan ng U.S., Iran at Israel, kasunod ng kaliwa’t kanang missile attacks at pagbomba sa mga nuclear sites.
Mula sa bintana ng Apostolic Palace matapos ang Angelus prayer, umapaw ang panawagan ng Santo Papa para sa kapayapaan sa gitna ng lumalawak na karahasan sa Middle East.
“We must stop the tragedy of war before it becomes an irreparable abyss,” mariing pahayag ng Santo Papa.
Tinawag niyang “alarming” at “dramatic” ang sitwasyon, lalo na ang paghihirap ng mga sibilyan sa Gaza at iba pang conflict zones na aniya’y nalilimutan na sa gitna ng putukan.
“Today more than ever, humanity cries out and pleads for peace… Let diplomacy silence the weapons,” dagdag ng Papa.
Giit ng Santo Papa, walang panalong militar ang mas mahalaga pa kaysa sa luha ng ina, takot ng bata, at kinabukasang nawala sa kabataan.
“War does not solve problems; it amplifies them… wounds that take generations to heal.”
Sa gitna ng nag-aalab na tensyon, muling nanawagan ang Santo Papa sa mga lider ng mundo: “Everyone is called to respond – especially those with responsibilities – to prevent humanity from walking a path with no return.”
Hindi na lang ito giyera sa malalayong bayan — giyera na rin ito laban sa pagkatao.
Kapayapaan o kapahamakan? Panahon na para pumili.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment