Baka, lumangoy sa dagat

Photo courtesy : JM Nga Vlogs


Nakawala ang isang baka mula sa binakurang bahagi ng Matayum Lagoon sa Cataingan, Masbate nitong Sabado, ika-21 ng Hunyo, 2025. 

Isa ito sa mga bakang dapat hulihin sa palarong Juego del Toro na nilahukan ng mga kawani ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) mula sa iba’t ibang probinsya ng Bicol. Dumiretso ang baka sa dagat at lumangoy palayo sa pampang—tagpo na nakunan ng drone video ni JM Nga VLOGS.

Ligtas namang na-rescue ang hayop.

Ayon kay Lt. John Louis Sibayan, Commander ng Coast Guard Masbate, nagkataong nagpapatrolya sila sa lugar kaya agad nilang natugunan ang insidente.

Tinatayang halos dalawang kilometro ang nalangoy ng baka mula sa pampang. Umabot ng 15 hanggang 30 minuto ang operasyon ng pagsagip dahil sa matinding pagpupumiglas ng hayop, lalo na tuwing nakakainom ito ng tubig-dagat.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started