Graduating student ‘di pina-akyat ng stage dahil sa sapatos?

Isang sapatos lang daw ang naging dahilan ng matinding pighati ng isang graduating student sa West Visayas State University (WVSU) — matapos siyang pigilin umakyat ng entablado sa mismong graduation day niya!

Viral ngayon sa social media ang post ng estudyanteng si Cybelle Rio Jhane Hembra, na ibinuhos ang sama ng loob sa Facebook matapos siyang harangin ng mga marshal dahil lang umano sa kanyang black shoes na may strap!

“Tinanggal ko yung strap pero pinigil pa rin kami ng isa pang babaeng marshal… Sabi bawal talaga sapatos ko. Wala akong pamalit. Wala akong extra para bumili,” emosyonal na salaysay ni Hembra.

Ayon sa kaniya, habang nakapila na sa baba ng stage, may biglang humawak sa kamay niya at bumulong: “Palitan mo yang sapatos mo, humiram ka sa kaklase mo.”

Agad siyang bumalik sa kaklase para humiram ng sapatos habang naluluha at takot na baka hindi na siya matawag!

“Kahit mangiyak-ngiyak na ako tumakbo ako papuntang stage… may mapaklang ngiti. Hindi ako maganda sa larawan na iyon, alam ko. Sayang yung ₱150, dalawang araw ko pang baon ‘yun,” dagdag pa niya, sabay patama sa mahal na bayad sa graduation photo na wasak din dahil sa insidente.

WVSU: IMBESTIGASYON SA ‘SAPATOSGATE’

Sa gitna ng backlash online, naglabas ng pahayag ang WVSU: “We are aware of the concerns raised online regarding a student’s graduation day experience. We deeply value our students’ voices and are currently looking into the matter.”

“We thank everyone for their patience as we review our policies with compassion and fairness in mind.”

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started