Winwyn Marquez ‘di na muli lalaban sa beauty pageant

Kinumpirma ng actress-beauty queen na si Winwyn Marquez na ang Miss Universe Philippines 2025 na ang kaniyang huling beauty pageant na sasalihan.

Itinanghal si Winwyn bilang first runner-up sa ginanap na Miss Universe Philippines 2025 coronation sa SM Mall of Asia Arena noong Mayo 2, kung saan si Ahtisa Manalo ang nakasungkit ng korona.

Sa panayam ng media kay Winwyn, sinabi nito na ang naturang patinmpalak na ang kaniyang huling rarampahan.

“This is my last. Sure na ’yon,” sey nito.

Binigyang-diin naman ni Winwyn na masaya siya sa naging resulta ng MUPH 2025 kahit hindi niya napanalunan ang korona.

“Who would’ve thought? Now, a mother is first runner-up in Miss Universe Philippines? That’s already a good feat,” dagdag pa nito.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started