
Mayor Bimby!
Ito ang birthday wish ng TV host na si Kris Aquino.Para sa kanyang anak na si Bimby Aquino-Yap na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan kamakailan.
Sa interview ni Ogie Diaz, sinabi ni Kris na nais niyang tuparin ni Bimby ang “calling at destiny” na maging mayor.
Tiyak aniyang magiging inspirasyon si Bimby kung mahahalal sa puwesto.
Isang intimate party ang isinagawa ni Kris para kay Bimby kung saan ang pamilya at malalapit lamang na kaibigan ang imbitado tulad ni Ogie, Miles Ocampo, Kim Chiu.
“Sabi ko sana umabot ako ng another seven [years]… God, dagdag? So seven plus seven, para umabot ako, makita ko swearing-in nya as mayor. That’s my dream. Because gusto nya, marunong sya maki-deal sa lahat ng tao. Oh my gosh, sobrang honest nito, so hindi yan magnanakaw at all. At magaling mag budget so maaalagaan nya ang mga tao,” pahayag ni Kris.
Nang tanungin ni Ogie si Bimby kung nais nitong maging pulitika, sagot ni Bimby, “It’s a calling.”
“Honey, it’s destiny,” sagot naman ni Kris.
“Yeah, it’s destiny and a calling,” pahayag ni Bimby.
“But first of all, you’d have to have charisma. And you have that. And of course, anyone would want to have a cute mayor,” sagot naman ni Kris.
Hindi naman tinukoy ni Kris kung saang bayan mag mi-mayor si Bimby.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment