Drug den sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur nasakote ng PDEA Bicol

Photo courtesy of PDEA BICOL

ARESTADO sa buy-bust operation si Edsel Bosito y Inocencio, lider ng Bosito Drug Group, kasama ang dalawa pang indibidwal, na nauwi sa pagkakalansag sa isang drug den sa Brgy. Coyaoyao, Tigaon, Camarines Sur, Huwebes ng umaga (March 20).

Ang matagumpay na anti-drug operation sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Special Enforcement Team at pinagsama ng PDEA IIS, PDEA Camarines Sur PO, Tigaon MPS at 2nd PMFC ay nakakumpiska ng humigit-kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Ang pag-aresto kay Bosito at mga kasama nito ang nagwakas sa illegal drug trafficking activities sa rehiyon na ginawa ng nasabing drug group.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.

(Thinked TV Regional News)

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started