
Viral sa social media ngayon ang mga Maritime students matapos mag-ambagan para tulungan ang isang vendor nang matapon ang itinitindang taho.
Ayon kay Dan Dais II, nangyari ang insidente noon pang Enero 2024 subalit inapload kamakailan lamang.
Ayon kay Dais, paglabas nila ng barracks ng kanyang mga kasamang estudyanye ng Asian Institute of Maritime Studies (AIMS), nakita nila ang taho vendor.
“While liberty leave po namen from Merchant Marine Cadetship program, paglabas po namin ng barracks nakita nalang po namen si tatay nakatapon na yung taho and sabi ng guard na nakakita is natisod at nadulas daw po si tatay kaya natapon yung taho nya na tinitinda,” pahayag ni Dais.
“Kaya po nag-decide kami mag ambagan para mabawi naman ni tatay yung paninda nya po,” pahayag ni Dais.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment