Cardinal Tagle matunog na maging bagong Santo Papa

Cardinal Tagle, Pope Francis

Malaki ang tsansa ni Cardinal Luis Antonio Tagle na maging bagong Santo Papa.

Ayon kay Father Francis Lucas, presidente ng Catholic Media Network, matindi rin ang mga makakalaban ni Cardinal Tagle gaya nina Cardinal Pietro Parolin, Cardinal Peter Erdo, Cardinal Peter Turkson,at Cardinal Christoph Schonborn.

Ayon kay Father Lucas, malaking factor ang composition ng cardinals na boboto sa susunod na Santo Papa.

Sa ngayon aniya, 38 porsyento sa mga cardinal at nasa Europa, 19 porsyento nsa Asya, 13 porsyento sa Africa, 10 porsyento sa US-Canada at 3 porsyento sa Oceana.

Una nang sinabi ng Vatican na nasa kritikal na kalagayan ngayon si pope Francis dahil sa pneumonia.

Bukod dito, nakitaan na rin ng kidney problem ang Santo Papa.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started