
Kinabiliban ng madla ang aktingan ng Kapamilya actress na si Maris Racal para sa kanyang bagong action series na “Incognito.”
Paano ba naman kasi, kahit na bigay todo sa mga action scenes ay nagawa pang tumakbo ng aktres habang naka-bra at panty lang.
Mapapanood ang isang eksena sa trailer ng Incognito si Maris na hinahabol ng mga kalalakihan habang nakasuot lamang ng itim na underwear.
Mukhang kinunan pa sa Baguio ang scene na ‘yon ni Maris kaya naman bilib na bilib ang mga faney sa galing sa pag-arte ng aktres.
Gumaganap bilang “Gab Rivera” si Maris sa Incognito kasama ang ilan pang bigating mga artista tulad nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, at Daniel Padilla.
Makakasama rin ni Maris sa bagong action series si Anthony Jennings.
Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya si Anthony at Maris dahil sa hiwalayan ng aktor at ng ex-jowa nito na si Jam Villanueva.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment