Soul searching yarn? Maris Racal umakyat ng bundok

Tila nagpakalayo-layo muna si Maris Racal sa ingay ng showbiz world, lalo pa’t nasangkot ito sa kontrobersiya kamakailan kasama si Anthony Jennings.

Matatandaang trending sa social media ang screenshot ng conversation nina Maris at Anthony na sweet sa isa’t isa kahit na parehas silang may karelasyon.

Sa post ng mountain climber na si Conz Asmin, makikita na present ang Kapamilya actress sa pag-akyat sa Mt. Ulap.

Hindi naman agad napansin na nandoon si Maris dahil nakasuot ito ng cap, at nilagay din ng poster ang mga larawan ni Maris sa bandang gitna at dulo ng kaniyang post.

Maging ang pakikipag-selfie ni Asmin kay Maris ay nakalagay din sa pinakadulong bahagi ng naturang post.

Samantala, kamakailan naman ay spotted si Anthony sa Year End Party ng bagong pelikula na “Incognito.”

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started