KathDen muling magpapakilig; may bagong teleserye?

Malaki ang posibilidad na magtuloy-tuloy ang pagpapakilig ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards!

Matapos kasi ang matagumpay na pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA 7 sa “Hello, Love, Again” nina Kath at Alden, willing umano sila na magbigay muli ng proyekto sa dalawa.

Hiling din kasi ng mga KathDen fans na mabigyan ng teleserye ang kanilang mga idolo.

“Lahat pwedeng pag-usapan. We’re very open to ABS-CBN, maganda naman ‘yung collab namin,” pahayag ng Senior Vice-President ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ngunit para umano sa kaniya, mahihirapan silang bigyan ng teleserye sina Kath at Alden, pero open umano sila sa panibagong pelikula.

“Hindi ko alam kung series dahil mas mahirap ang series, mas madali kung movie so let’s see.

“I’m grateful to Star Cinema and ABS-CBN, and of course to Direk Cathy (Garcia-Sampana), Kathryn and Alden, thank you so much for the opportunity that you gave GMA Pictures and we’re looking forward to more collaborations to come,” dagdag nito.

Samantala, humakot ng mahigit P1.4 billion sa box office sales worldwide ang “Hello, Love, Again” kung saan nakakuha ito ng titulong “highest grossing Filipino film of all time.”

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started