It’s Showtime’ tuloy arangkada sa GMA

Tuloy ang pagpapalabas ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” sa Kapuso network sa 2025.

Pahayag ito ng GMA Corporate Communications sa gitna ng kumalat na balita na tsugi na ang “It’s Showtime” sa GMA 7 sa susunod na taon.

“’It’s Showtime’ will continue to air in GMA in 2025! Maligayang Pasko, madlang Kapuso at Kapamilya,” saad ng the official statement ng GMA 7.

Una nang sinabi ni Atty. Annette Gozon-Valdes noong Nobyembre na pinoproseso na ng GMA 7 ang renewal ng kontrata ng Kapamilya noontime.

Pinabulaanan din ni Valdes na may utang ang “It’s Showtime” sa Kapuso network.

“May hinintay kaming data kaya natagalan kami bumalik sa kanila. Pero siguro mga 95 percent ano na yan. Wala namang problema kasi, e. Konting ano lang, konting pag-uusap lang. Andito sina Carlo (Katigbak), nag-uusap kami,” pahayag ni Valdes.

“Wala silang utang. Sa ratings, wala kaming problema, kasi ang taas taas ng ratings ng It’s Showtime,” dagdag ni Valdes.

Nagpasalamat naman si Vice Ganda sa GMA 7.

Bago lumipat sa GMA 7, una nang umere ang “It’s Shotwime” sa TV 5 nang tuluyang mawala sa ABS-CBN.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started