
Hindi nakawala ang mga miyembro ng BINI na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Jhoanna sa panlalaglag ng kanilang youngest member na si Sheena.
Paano kasi ay in-expose nito kung sino sa mga miyembro ang mahilig mangutang at manglibre.
Sa X (dating Twitter), ginawa ni Sheena ang “Rating BINI Members: Utang/Libre Edition.”
Una niyang ni-rate ang oldest na si Aiah, aniya: “AIAH – 2/10 sa limang taon naming pag sasama, isang beses palang ata siya nanlibre samin so halos wala ako ma-rate sakanya. 2 pts nalang kasi mabait naman siya as a person, d lang siguro pala libre.”
Sumunod naman si Colet: “COLET – C/10 DESERVE NIYA NG SARILING APPRECIATION POST ❤ ginawa ko tong thread para lang talaga sakanya. si ate colet ang pinaka mabait at mayaman namin na friend. kahit ayaw niya manlibre wala siya nagagawa dahil card niya lang gumagana at phone niya lagi ginagamit pang order ng food online. d siya nag lilista ng mga utang sakanya kaya nakaka limutan nalang niya at eventually nagiging libre nalang kasi nga nakalimutan na niya.” Ang ratings niya para kay Maloi ay: “MALOI – 3/10 3 out of 10 para i love you kahit gaano kababa irate ko sakanya okay lang kasi ako bias niya at kikiligin siya dahil nag i love you ako sakanya.” Para kay Gwen: “GWEN – …/10 yung rate ko kay bebe loading palang. someday mararate ko din siya pag nanlibre na siya samin. deserve niya ng multiple chances, wala dapat pressure pag dating sakanya. trust her own timing.” “STACEY – 10/10 minsan phone din ni staks gamit pang order tas hinihintay namin isend niya kung tig magkano kami, yun pala tinamad na siya maningil so libre niya nalang daw.” “MIKHA – 8/10 pag wala gusto mag alay ng phone para umorder, phone niya binibigay niya para tumahimik na daw kami kasi ang ingay na daw namin. pero ang catch, d siya nakaka limot ng utang so need mo talaga mag bayad.” “JHOANNA – 5/10 lagi naman siya nanlilibre kaso ayoko yung halos araw araw niya sinesend yung list ng mga may
utang sakanya. masyado siyang organized nakaka pressure mag bayad. kasalanan naman namin kasi nakisuyo kami sakanya na siya muna mag bayad pero nakaka ano kasi siya eh, ah basta may something kay ate jho na gusto namin idelay yung bayad sakanya para mas lalo siya mainis.” Samantala, hindi niya rin nakalimutan i-rate ang kaniyang sarili: “SHEENA – 7/10 ay beh pag may hugutan ng card kung sino manlilibre, laging card ko nakukuha ewan ko ba. labag sa loob ko manlibre pero ano pang choice ko nabunot na card ko. pero minsan pag good mood ako nanlilibre ako bigla pero deep inside same kami ni ate jho na nililista mga utang ng ibang girls tas sinesend agad sa gc HAHAHAHAHA.”
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment