Archie Alemania todo tanggi sa pangbabastos kay Rita Daniela

Todo tanggi pa rin ang aktor na si Archie Alemania akusasyong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela laban sa kanila.

Dahil dito, nitong Disyembre 10 ay nagsumite si Archie ng counter-affidavit sa Bacoor Hall of Justice sa Cavite.

Kasama naman ng aktor ang kaniyang abogado sa paghahain ng kanyang counter-affidavit, na bahagi ng isinasagawang preliminary investigation ng piskalya.

Hindi naman idinetalye ng piskalya ang nilalaman ng naturang counter-affidavit.

Samantala, nakatakdang sagutin ni Rita ang counter-affidavit na inihain ni Archie sa Disyembre 17.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started