
Naglabas na rin ng kanyang opinyon ang veteran actor na si John Arcilla na pinagpipyestahang cheating scandal nila Maris Racal at Anthony Jennings.
Viral na nga sa social media ang Facebook post ni Arcilla.
“May nagtanong kasi sakin. Eto sagot ko: AYOKO MANGHUSGA. HINDI KO NABASA LAHAT. Nagsisimula pa lang ako NAKARAMDAM NA AKO NG HIYA SA SARILI KO 🙃 Bat ba ako nagbabasa ng isang private na convo? Sabihin ng OA, pero AWKWARD yung pakiramdam.,” simula ng aktor sa kanyang post.
Hinuha ng aktor mayroong hidden agenda sa nangyari kila Maris na tinawag niyang kolokoy na nag-take advantage ng sitwasyon.
“Lahat naman tayo dumaan sa pagkabinata pero hindi ko ma-kuha na habang may tino-torture kang gf dahil binigyan mo naman ng access sa cp mo (?) sa isang banda may ine-expose ka or may balak ka naman i-blackmail na isa pang babae (?) parang nasa gitna ng pag expose at kunwaring pag gaslight (?) parang mayroong laro eh,” aniya.
“Sana mali ako or gusto na ba kumalas sa gf di lang masabi? Pero kung tama ako. May kabastusan ang motibo. Ibang klaseng mag-trip. May hindi rin sina-alang-alang yung 3rd party, bad trip din yon – pero tingin ko lang may isang kolokoy na nag take advantage ng lahat with confidence and a disguise of being cool 🙂Yun lang✌🏼,” dagdag niya pa.
Sumang-ayon ang maraming netizens sa sinabi ni Arcilla habang ilan ang nagsabing iba talaga magsalita ang isang heneral.
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment