
Dalawang araw nang palutang-lutang sa dagat ang isang mangingisda nang masagip ng Philippine Navy sa Andulingan Island sa Sitangkai, Tawi-Tawi.
Ayon sa Philippine Navy, kinilala ang mangingisda na si Roco Sambas, edad 40 at tubong taga-Barangay Tandu Banak sa bayan ng Sibutu.
“By 6:25 AM, the ship’s crew executed a rescue maneuver, throwing a life ring to the fisherman and safely bringing him aboard,” saad ng Ph Navy.
Kwento ni Sambas, nasira ang kanyang sinasakyang bangka nang hampasin ito ng malakas na alon habang nangingisda.
Nakita ng Ph Navy si Sambas na nakakapit sa isang polystyrene foam 6.4 nautical miles hilaga ng Andulingin Island.
“The Navy crew provided him with dry clothes, hot food, coffee, and first aid for minor injuries,” dagdag nito.
Samantala, maayos naman na ang kalagayan ni Sambas matapos rescue ng ahensya.



- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment