BINI, Hev Abi top artists sa Spotify PH Wrapped 2024

Hev avi and BINI PH/ IG post

Itinanghal ang P-pop na BINI at si Hev Abi bilang top artists sa Pilipinas sa Spotify Wrapped 2024.

Nabatid na ang hip-hop star na si Hev ang Top Local Artist ngayong taon habang ang BINI naman ang nakakuha sa number 2 spot.

Pasok naman sa top 5 artists ang balladeers na sina Arthur Nery at TJ Monterde, at folk-pop band na Ben&Ben.

“’Di naman siya nakakagulat para sa akin,” pahayag ni Hev.

“Lahat naman siguro ng artist gusto maging leading in some way, somehow. Pero gusto ko rin isipin na hindi siya nakakagulat para maging steady ka lang, grateful lang lagi,” dagdag ni Hev.

“Ako naman ginagawa ko lang ‘yung music na gusto kong mapakinggan. ‘Yung recognition ng mga tao, ng Spotify, bonus na lang. Thankful ako na maraming nag-e-enjoy at nakaka-relate sa music ko, which is ‘yun na rin siguro ‘yung reason kung bakit nasasabi na nirerepresent ko ‘yung new sound ng Pinoy hip-hop,” dagdag ng rapper.

Itinanghal din ang “Babaero” ni Hev bilang Top Song.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started