nagbabala sa mga katrabaho: ‘Adik,’ ‘Durugista’ out!

Isa sa pinakabinibigyang pansin ni Coco Martin ay pagpapanatiling walang nagdo-droga sa kaniyang mga katrabaho sa “Batang Quiapo.”

Ayon sa aktor, importante para sa kaniya na nakikitang nagtatrabaho ang mga ito para sa future ng kanilang pamilya.

“Ang pinakaayaw ko kasi, ‘yung nagtatrabaho ka para sa bisyo mo,” pahayag nito.

“Gusto ko, nagtatrabaho ka para sa future mo at sa family mo. Kasi kung may halong kalokohan ‘yan, may halong drugs ‘yan, out ka na kahit magtampo ka pa sa akin,” dagdag pa ni Coco.

Naikuwento rin ni Coco na mayroon siyang nakatrabo noon na nagpositibo sa droga kaya pinag-leave muna niya ito at pinabalik na lang noong nag-negative na ito.

“Kung seryoso ka at mahal mo trabaho mo, aalagaan mo ‘yon at iingatan mo,” saad pa nito.

Samantala, kilala si Coco na marami nang natulungang taga-showbiz industry, lalo na ang mga artistang hindi na aktibo sa telebisyon.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started