Gerald dedma sa isyu ni Julia, Dennis

Tikom ang bibig ni Gerald Anderson pagdating sa alitan sa pagitan ng kaniyang nobya na si Julia Barretto at ama nito na si Dennis Padilla.

Sa “The Men’s Room” ng One News PH, sinabi ni Gerald na wala umano siyang planong makialam sa problema ng mag-ama, lalo pa’t problema ito ng kanilang pamilya.

“Mas importante kung ‘yung as a family. Ako naman, outside ako but I support both sides kasi siyempre pamilya ‘yan. Hindi tayo pwedeng makisali diyan,” paliwanag ng lamig.

Samantala, bagaman nananatiling neutral si Gerald, umaasa naman umano siya na maayos ang relasyon ng mag-ama.

“Ako, just hoping… Siyempre, nakikita ko naman… you just pray and hope na maaayos ‘yan behind the scenes,” dagdag pa nito.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started