PBBM tumaas satisfaction, trust ratings; VP Sara lagapak!

Tumaas ang satisfaction at trust ratings ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang bumagsak naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte.

Base sa survey ng Tangere, tumaas sa 47.3 percent ang satisfaction rating ni Pangulong Marcos noong Nobyembre mula sa 46.9 percent na naitala noong Oktubre. Umakyat naman sa 59.6 percent ang trust rating ng Pangulo noong Nobyembre, mas mataas kumpara sa 59.3 percent na naitala noong Oktubre.

Lumagapak naman ang satisfaction rating ni Duterte sa 47.5 percent noong Nobyembre kumpara sa 48 percent na naitala noong Oktubre. Maging ang trust rating ni Duterte ay bumaba rin sa 55.5 percent mula sa 56 percent noong Oktubre.

Tumaas din ang satisfaction ratings ni House Speaker Martin Romualdez.

Mula sa 46.8 percent na naitala noong Oktubre, tumaas ito sa 47.3 percent noong Nobyembre habang ang trust rating naman ay umakyat mula sa 57 percent at nagging 57.4 percent.

Mataas din ang nakuhang ratings ni Senate President Chiz Escudero matapos pumalo sa 52.5 percent ang satisfaction rating at 61.3 percent ang trust rating.

Isinagawa ang survey noong Nobyembre 19 hanggang 22 gamit ang mobile-based application sa 2,000 respondents.

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started