Bianca Umali, hinangaan ng fans magpaputok

Bianca Umali /fb


HINANGAAN ang publiko ang husay sa pagbaril ng aktres na si Bianca Umali sa kanyang unang pagsabak sa firing range.

“Unang subok sa firing range. Tandaan po, ang ganitong skills ay may kaakibat na responsibilidad. Disiplina at respeto ang palagi nating unahin,” ani Bianca sa video at larawan na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Sa tindig, galaw, paghawak at pagkasa ng armas ay astig ang dating ng girlfriend ni Ruru Madrid. Pero mas bumilib ang netizens nang maka-bullseye ito sa mga unang pagkalabit sa gatilyo.

Bago ito, flinex din ni Bianca ang husay niya sa paghawak ng balisong.

(Bianca Umali/Facebook)

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started