
Nagbunyi ang staff ng noontime show na “It’s Showtime” dahil sa regalo sa kanila ng komedyante na si Vice Ganda.
Sa latest episode ng ‘It’s Showtime,’ nagsaya ang bawat staff na nagtatrabaho sa likod ng camera.
Ayon kasi kay Vice, hindi niya pababayaan ang mga ito lalo pa’t nalalapit na ang pasko.
Pangako nito, bibigyan niya ng Christmas bonus ang staff para kilalanin ang sipag at determinasyon ng mga ito na makapagbigay saya sa madlang pipol.
“Wag kayong mag-alala, sa mga pinakamamahal kong mga Kapamilya dito sa Showtime, hindi kayo maiiwan sa laylayan. Sisiguraduhin ko yan,” pahayag ni Vice.
“Yan ang mga nagpapakahirap para sa programang ‘to ano, tayo eh umaarte-arte lang dito from 12 to 2:30. Pero sila hanggang gabi, hanggang madaling araw. Kaya pramis, may bonus kayo sakin. May bonus sakin ang Showtime family natin,” dagdag pa nito
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment