Netizens naloka sa qualifications ng PA-for-hire ni Claudine Barretto

Naloka ang netizens sa haba ng qualifications na hinahanap ng aktres na si Claudine Barretto para sa kanyang magiging personal assistant.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Claudine sa madla na hiring siya ng personal assistant at stay-in secretary na batak sa puyatan.

Maliban sa mandirigma sa gabi, gusto rin ni Claudine ang very masipag, marespeto, at may experience sa accounting na pwedeng mag-manage ng kanyang expenses every week.

“Yung every Friday ire-report how much kinita at how much ang nabawas at kung saan ginamit yung money. Take care of the schedule ko at mga bata. Also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganun po talaga sa shootings/tapings,” sabi ng aktres sa kanyang IG post.

Dagdag niya, “important very neat & organized” umano ang kanyang PA.

Sey tuloy ng netizens, tila mayordoma na ang hanap ni Claudine.

“Sa caption at requirements palang pagod na ako…mahal ko ang buhay ko para magpakapuyat at maghabol sa pera.”

“Mahirap yan. Hndi pang isang tao ung kailngan nya.”

“Bahala ka sa buhay mo, ano ka royal blood?”

“Bale hindi lang po secretary at nanny need nya, and eto mga need nya na kelangan nasa iisang tao lang. Personal Assistant who will manage her schedule, and pwede sa puyatan sa taping, accountant to audit every friday sa business or other churvaness, operations manager who will handle the business, nanny niya at ng mga anak niya, at secretary who will manage her docs/papers.”

THINKED TV Avatar

Posted by

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started