
Imbis na mapikon ay pinasalamatan pa ni Francine Diaz ang kaniyang mga basher.
Sa kaniyang vlog, sinabi ni Chin na nagtataka siya sa mga maliliit na bagay na napupuna sa kaniya ng mga basher.
Aniya, sino raw ba siya para lang pag-aksayahan ng oras ng mga ito.
“Ako sa sarili ko, ha, sino ba ako para pag-aksayahan n’yo ng panahon? Para magtu-tweet-tweet kayo, gumawa kayo ng videos mag-comment kayo na, ‘ang panget ng mukha ni Francine! Ang panget ng ugali niya! Ang laki ng bunganga! Ang laki ng mukha niya!’” saad ng dalaga.
“Napansin n’yo ‘yon? Sobrang observant n’yo naman sa akin. But seriously, thank you,” sey pa ni Chin.
Ngunit sa pangbabatikos na ito, na-realize umano niya na marami palang tao ang nakakakilala sa kaniya.
“Kasi kung hindi naman ako nakikilala, ’di n’yo naman ako papansinin, e,” pahayag nito.
Kaya naman panghihikayat ni Chin: “Sino ba ko para i-bash n’yo? So thank you for all of the hate comments. Go on. Keep ’em coming.”
- Bea Alonzo denies pregnancy rumors: ‘Glowing, not expecting’
- Sorsogon Sets Guinness World Record for World’s Largest Nut Brittle
- More Pinoys feeling stressed, especially in Metro Manila
- Earthquakes stronger than 6.4 mark new seismic events
- Quick response teams start clearing quake-affected roads in Davao
Leave a comment